Unang post sa araw na to, grabe after 24 hours bago naka post ulit hindi naman busy ๐wala lang talaga ako sa mood magkwento kanina, meron naman ako nakahanda na picture ng ulam kaya lang ang last post ko kahapon ay pagkain eh at gusto ko maiba naman, pero paano ba eh wala akong maisip na kwento. ๐ Bahala na kung pagkain ulit ang post ko hahaha at least prutas hindi ulam hahaha. Alam mo ba noisemate na hindi ako kumakain ng orange dahil sa Acid Reflux ko, pero sa panahon ngayon na uso ang ubo't sipon ay kailangan natin kumain ng citrus, payo yan ni Doc. Willie ๐. Anyway busog naman ako bago ko kainin itong orange. Ahuh! ito may naalala akong joke tungkol sa orange ๐ sige mag laugh trip muna tayo para mawala tong antok ko. Convo ng amo at ni Inday ... Amo: Inday nakapagtapos ka ba ng High School? Inday: Opo Maam, 1st Honor po ako .. Amo: Ang galing mo naman pala Inday, gusto mo bang mag -aral sa Kolehiyo? Inday: Aba opo Maam, gusto ko po mag-aral. Amo: Sige .. pag nasagot mo itong tanong ko ay mag enroll ka sa Kolehiyo. Inday: (laki ng ngiti) ano po ang tanong Maam? Amo: Spell ORANGE ... Inday: (seryoso) Ano pong orange maam, kulay o prutas? ๐๐๐ ahahaha ang galing nga naman ni Inday ano? ๐๐๐
1 comment
Vitamib c. Orange mgandang fruits pra sa ating katawan.