read.cash Log in
@zoe316

Kumusta na noise.ates? Magandang araw! Limang araw ako absent dito at doon sa kabila, ppasenya na noisemates .. nabusy ako sa ibang bagay at ang pabalik balik sa Doctor. Kahapon doon na naman ako galing kay Doc. Tan, every 5 days kasi ang balik ko. Salamat kay D'one na walang sawa pagsama sa akin at pagbili ng mga gamot ko. Hindi ko naramdaman ang pagod at sawa pabalik balik kahit malayo ang clinic ni Doc dahil sa suporta ni D'one. Wala syang reklamo kahit na di sya nakapagtrabaho. Kaya ko naman ang pumunta na doon sa China Town pero ayaw nya ako mag isa sasakay sa LRT. Sabi ko nga ang dali lang naman pumuntahan kahit na may kalayuan. Ayan kinuhaan ko na ng picture ang map ng LRT para alam ko anong mga Station ang dadaan at saan bababa. Sasakay ako sa Balintawak station at bababa sa Carriedo tas maglalakad na lang papunta sa China Town pagkababa sa Carriedo station, tatlong kalye ang tatawirin at clinic na ni Doc. Baka sa susunod kong balik sa Lunes ako na lang ang pupunta para di na maabala si D'one sa trabaho. May update ba doon sa kabila? mamaya sisilip din ako doon. Malamang tambal na ang unread doon 😣😆

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.