read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Naalala ko lang noon nasa Cebu pa ako, October pa lang ay naka display na ang mga Christmas decors ko, gusto ko kasi maaga ko ma feel ang Christmas spirit. Ngayong darating na pasko ay pang limang Pasko na malayo ako sa pamilya ko sa Cebu. Sana ngayong Pasko ay makapiling ko sila. Pero napakalabo mangyari iyon dahil sa pandemic. Pero okay lang yun... dapat magdiwang pa rin kahit wala sa piling nila, ang mahalaga ay masigla, malusog, walang karamdaman ang mga mahal sa buhay. Iyan lang naman ang mahalaga ngayon, ang maging healthy. Kaya ang wish ko ngayon pasko.," happy life for me, my family and friends , kasi pag happy life ibig sabihin nasa iyo na ang lahat ~ mapagmahal na partner, mababait na anak, maunawain na mga in-laws, hindi taismisa na kapitbahay, magandang trabaho, at higit sa lahat wala kang sakit o ano man karamdaman.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.