read.cash Log in
@zoe316

Mahigit dalawang taon din at sa wakas nakatambay ulit kami ni D'one dito sa Trinoma Mall..Dito ang paborito namin hang out ni D'one noon bago mag Pandemic, dito malapit sa S&R dahil yan ang madalas namin kainin ang S&R pizza. Last Tuesday, Sept.6 after ko magpa Mammogram at Ultrasound sa Breast Center doon sa NKTI (National Kidney and Transplant Institute) dumaan kami dito at nag S&R. Ang tahimik na ngayon, maraming kainan pa ang sarado kagaya ng Wendy's na katabi lang ng S&R. Sa Baba din iilan lang ang open na kainan. Yun na nga kinabukasan ay nagkasakit kami ni D'one..una sya tas nahawa ako.. siguro nakuha namin ang virus doon sa breast center :( ..sa awa ng Diyos ay medyo ok na kami ngayon..kunting sipon na lang at paminsan minsan ang ubo. Dapat sana kahapon kukunin ko na ang result ng Mammogram at uktrasound ko. Hoping ang praying na benign lang itong bukol ko sa breast at di na kailangan operahan :( ...

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.