read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Happy weekend noisemates! kumusta na? buong araw din ako di nakapag ingay, ang dami ko na utang sa inyo mula pa noong kaarawan ko sobrang nabusy talaga. Babawi ako ngayon, sana maka ipon ako ng fret!ps .😀 Kahapon ang aga namin umalis ng bahay , 6 am pa tapos nakauwi kami alas 9 na ng gabi as in sobrang pagod at para na akong lumulutang.Sinubukan ko mag post sana bago matulog pero di ko na kinaya. Pumunta kasi kami ni D'one sa Gen. Trias Cavite, nagbayad kami ng property tax sa property ng Ate ni D'one. After namin mag bayad ay pinuntahan namin ang lot na yun sa Stateland Hills Sub. sa Barangay Manggahan, balak kasi ni Ate na magpatayo ng bahay doon. Meron ba taga barangay Mangahan dito ng Gen Trias Cavite ? 😊 Hindi kabisado ni D'one ang daan, at niligaw pa kami ng Waze 😕 Ang layo din ng byahe namin mula Bulacan to Cavite. Sayang lang di ako gaano naka picture habang nag tatravel kami kasi nabusy ako sa waze para ma guide kami sa daan. Share ko na lang ang iilan kuha ko habang nasa Cavitex kami. First namin pumunta sa Cavite. Puro dagat ang nakita ko sa gilid ng Expressway. Na compare ko lang sa byahe papunta Panggasinan ay mga palayan naman ang matatanaw mo.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.