Tuwang tuwa ako nung may nakita akong post na Pakwan noong isang araw, kasi ibig sabihin season na ng Pakwan at marami na nagtitinda sa sidewalk. Kaya kahapon niyaya ko si D'one na pumunta sa palengke para bumili ng Watermelon. Ilang buwan din ako hindi nakakain nito kasi walang nagtitinda. At ako na yata ang isang taong masaya ng malaman ko mayroon na ulit nagtitinda ng Watermelon. Alam mo kung bakit ang saya ko na mayroon ng Pakwan? Itong Pakwan lang kasi ang naging gamot ko sa grabe kong Acid Reflux. Naalala ko dati, as in grabe ang Acid Reflux ko na nagdudulot na rin ng heart burn. Imagine mo na lang yung lalamunan mo na feeling mo nasusunog na dahil sa Acid, tas pati dila mo pag gising sa umaga ang hapdi sa dulo dahil sa Acid. Nag-alala na ako noon, pero natatakot ako pumunta sa Hospital para magpa check dahil sa COVID, alam ko e sa Swab test ka kahit ibang sakit ang ipapa check up mo. Buti na lang may napanood akong Vlog about sa Acid Reflux at itong Watermelon ay isa sa mga fruits na mabuting kainin kapag mag Acid Reflux. Kaya mula noon araw-araw ay kumakain ako nitong watermelon, at ilang days lang nawala ang burning sensation ko sa throat, really amazing Watermelon!
1 comment
wow! red na red sis ang tamis neto panigurado. Bili kana pala marami sis para hindi kana magaacid.