~Apple Mango~ Ang dami ng bunga ng Apple Mango namin, marami ang nahuhulog na lang sa bubongan. Minsan ang himbing ng tulog mo magugulat ka na lang may bumagsak sa yero 😁Ang lalaki pa naman nitong Apple Mango, kaya yupi ang yero 😁 Natatakam na lang ang mga kapitbahay namin kasi hindi naman namin hina harvest kaya kung sino ang may gusto ay siya ang aakyat 😁.. Kanina isang kapitbahay namin nanghingi at umakyat, ang dami nyan nakuha pero isang dosena lang ang kinuha ko, gagawa ako ng pickled mango. Masarap lang kasi ang apple mango kapag hilaw pa pero pag hinog na masyado ma ugat, nakakakati ng lalamunan. Masarap sya kasi matamis kahit green pa ang balat yun bang medyo malutong pero matamis. Mas masarap ito kesa Indian mango. Uuhmmm sarap din nito pag may bagoong sana .. yumm!yummm!!! tara guys kain tayo .
4 comments
Mango for strong resistance
Yeah this fruit is rich in vitamin C.
Good evening sis ,naglalaway tuloy ako ang sarap talaga niyan sis apple manggo ,masarap din yan sis gawing Jam
sarap nian sis