~Langka Ube Yam ~ Ayan nagbalik tanaw nung ako ay bata pa π Kanina habang nagluluto ako ng ulam ay nagkulang ng pang timpla na oyster sauce, at dahil busy si D'one at di mautosan bumili kaya ako na lang ang bumili sa tapat na sari-sari store at nakita ko itong Langka yam candy at nagbalik tanaw noong ako ay high school pa at kami ay may tindahan din, at ito ang paborito kong candy π ako lang yata ang nakakaubos nang paninda namin na Langka Yam.... lugi ! π Wala pa yata noon Ube flavor, Langka lang naalala ko π. Di na ako nagdalawang isip na bumili nito at gjnawa kong panghimagas pagkatapos mag lunch ππ pinakita ko kay D'one, sabi ko pag may bibilhin ka dyan sa tindahan bilhan mo rin ako nito ha?ππ wala kasi ako nakikita nito sa Supermarket o baka di ko lang nakita. Next time na mag grocery ako hahanapin ko to sa candy secrion π Kumusta na noisemates! magandang hapon sa lahat!π
2 comments
Magandang hapon sayo sis at sa family mo diyan,wow ang sarap niyan tama po kayo sis masarap po yan panghimagas,ako din gustong gusto ko po yan
Ang sarap nian sissy.