read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Ang Pusa, bow! ~ (hehehe ano kaya ang koneksyon ng pusa at almusal ko) tara kwentuhan tayo para malaman mo. 😀 Kumusta ang tulog mo at gising noisemates? Late na ako nagising I think mga 10am na , paano kasi nagising ako alas 3 ng madaling araw dahil sa ingay ng pusa tas hindi na agad ako nakatulog ulit. Kaya ito late na nakapag almusal at ito lang ang almusal ko, banana cake. Nabusog din ako sa dinner ko kagabi ah... halos maubos ko ang 6 na slice ng pizza, mga 5 3/4 yun (hahaha ) so ibig sabihin kay D' one ay 2 1/4 slices lang. 😀 Mamayang lunch na ako mag heavy meals. Magluluto ako ng pork liver steak. Ikaw noisemate anong balak mong lutuin for lunch? Ay kanina pala madaling araw, nanganak yun stray cat dito sa labas ng bahay namin doon sya pumwesto sa sulok sa may water pump. Kaya pala ang ingay nya, sya ang dahilan bat late na ako nagising . Umaaligid na tong pusa dati pa dito sa kitchen door namin at namihasa kasi pinapakain ko. Hanggang nabuntis sya at yun na nga kaninang madaling araw nagising ako kasi ang ingay nya. Hindi pangkaraniwang ingay na nagugutom lang. Malakas ang kutob ko na nanganak na, at pinacheck ko kay D' one may narinig na syang iyak ng kuting, nanganak na nga yun stray cat at sinilip nya may 3 brown kittens. Tinimplahan ko ng gatas si mommy cat, pinainum ko sya at buti naman ininum nya ang gatas, kawawa naman may dumidede na sa kanya, mamaya ko na lang sya pakainin pag may ulam na, nakakagutom kaya kapag bagong panganak, sino ang naka relate mga Momshie (hehehe) Sabi ko kay D' one , pag meron lalaki na kuting ay gawin namin pet (hehehe) . Okay naman sya mag pet kami ng pusa, ngayon pinag iisipan namin anong name ng kitten. Ano kaya maganda at cute na name ng pusa? #breakfast #bananacake ~ezo~ 11:20am 8/09/2021

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.