read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ang aga ko nagising kanina, wala pang 7 am kasi kahapon nag plano kami ni D' one na maaga kami mag grocery. Natatakot na kasi ako lumabas para mamili mula noong nagkasakit ako, pero kailangan na talaga pumunta sa Supermarket kaya sabi ko kay D'one maaga kami mag grocery para wala pa masyadong tao. So yun nga nagising ako mga 6:30 kanina, mabuti naman ang pakiramdam ko at nagluto na ako ng almusal, habang nagluluto ako ay uminom na ako ng gatas at kumain ng tinapay. Tinawag ko na si D'one para mag almusal, kailangan 7:30 makaalis na kami kasi 8:00 ang open ng Robinsons. Pero ewan ko ba, uupo na sana ako para kumain ng bigla nanghina ako. Napagod ako bigla kaya humiga ako sa sofa, hindi na ako sumabay mag breakfast kay D' one. Sabi ko busog pa ako pero ang totoo sumama ang pakiramdam ko at nag papalpitate ako. Tinanong ako ni D'one anong ginawa ko bakit napagod ako, sabi ko nagsaing lang naman ako ng kanin tapos nagluto ng ulam tas bigla na lng nanghina at nagpalpitate. Ito alas Onse na hindi pa rin kami nakaalis. Sa ngayon nawala na ang palpitation ng heart ko, kunting pahinga pa at happy thoughts para ma okay na ang pakiramdam ko. Share ko lang ang larawang ito na ginawa ko kanina na digital jigsaw puzzle habang ako ay nagpapahinga at inaaliw ang sarili ko para mawala ang pagpalpitate. Ano kaya ang nangyari sa kin kanina? naisip ko baka nabinat ako ... :( Magandang araw noisemates! Sana okay lang kayo, ingat lagi ha:)

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.