~ Karanasan Sa Hundred Islands ~ Kumusta ang malamig mong gabi mga maiingay kong kaibigan? Sino ang nakapunta na sa Hundred Islands? Ito ang hindi ko makakalimutan na experience, noong pumunta kami sa Hundred Islands sa Alaminos Pangasinan noong May 2019. Ang larawan ito ay kuha ko habang nakasakay kami sa maliit na bangka papunta sa Hundred Islands. Alam mo ang pakiramdam ng naghalong excited at nerbyos . Excited kasi syempre Hundred Islands adventure , ni sa panaginip di ko akalin makapunta sa lugar na to at excited ako mag live video. At nerbyos dahil hindi ako marunong lumangoy 🤣Natatakot ako baka malunod ang bangka. At biniro pa talaga ako ng tadhana, akalain mo ba naman tumirik bigla ang makina ng bangka. doon sa kalagitnaan ng dagat. My God! grabe ang takot ko noon. Mabuti at may nag rescue sa amin, hinila ang bangka namin papunta sa isla na malapit. Maganda at nakakamangha ang likha ng Dyos. Ang ganda ng Hundred Islands pero hindi ako masyado nag enjoy kasi mga kasama ko ang saya saya naligo sa dagat ako naman nasa cottage lang kasi nga hindi ako marunong lumangoy, ako lang ang taga kuha ng litrato 😂. Alam mo, ayoko na bumalik don, nagka phobia na ako sumakay ng bangka mula nung tumirik ang bangka namin. Pero alam ko mag eenjoy kayo lalo na marunong kayo lumangoy 😂kaya kung may pagkakataon makapunta kayo don sa Hundred Islands, take mo na ang opportunity and treasure the memory. Salamat sa pagbasa. Magandang gabi! 🥰 @ezo 10:21pm 6/02/2021
No comments yet