read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Salamat At Pasensya Na ~ #realtalk Nais ko lang magpasalamat sa mga tumangkilik ng Channel ko " Meron Akong Kwento." https://noise.cash/c/meron-akong-kwento-421qqq1k Maraming salamat sa inyong pag subaybay sa mga kwento na binahagi ko dito sa Channel, lalo na 'yung mala teleseryeng kwento hango sa totoong buhay ko, kagaya ng kwentong "Ako Kaya Ay Ibigin Mo?" at " Ikaw At Ako". Kahit papano may mga naaaliw din bumasa ng kwento ko lalo na sina @Intishar @Saavy @joie @Jhayross11 , sila nagpapaalala sa akin kelan itutuloy ang susunod na yugto ng kwento (hehehe) Sulit din ang ilang oras na effort ko sa pagsusulat na kadalasan ay di ko namamalayan ang oras, hating gabi na pala( hahaha). Nakakaaliw kasi magsulat lalo na masasayang kilig moments experience. Pasensya na pala .... Kanina meron nag post dito sa channel, hindi ko na lang po e mention ang name. Nais ko lang mag paumanhin sa yo kung na "REJECT" ko ang post mo. Sana po basahin muna ang rules ng Channel. Isa po na rule ay dapat original story na sinulat mo, hindi po COPY PASTE lang ng kwento galing sa ibang social media. Pwede ka po mag salaysay ng kwento ng buhay ng ibang tao na nakaka inspired at dapat po ikaw ang magsulat, hindi pwede kinopya lang. Okay naman na isalaysay mo or e summary mo ang isang kwento gaya halimbawa ng isang kathang isip na kwento at lagyan lang ng intro bago mo isalaysay para naman malaman ng readers saan galing ang ikwekwento mo, hindi po yung basta copy paste na lang, sana meron naman effort kahit papano. Pasensya na ulit, sana naintindihan mo. Hindi po biro ang magsulat kahit true to life story mo pa yan at lalo hindi madali kung kathang isip, kaya huwag natin ganun lang kadali kopyahin ang gawa ng ibang tao. Ako mismo inaabot ng ilang araw sa pagsusulat ng isang true to life story ko, at unfair naman po sa sarili ko kung i approve ko ang kwento mo na alam ko COPY PASTE mo lang sa facebook. Pasensya na po ulit kung na "REJECT" ang kwentong binahagi mo. Anyway, salamat sa pagtangkilik ng channel, please read the channel rules :) ~ezo~ 12:05pm 8/12/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.