read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Günaydin! Nasilsin? Good morning ! How are you? Naalala ko lang ang Turkish words na yan, Gunaydin means Good morning at Nasilsin means How are you. Napanaginipan ko kasi kagabi ang dati kong special someone na Turkish na nasa heaven na. Ano kaya ibig sabihin nun panaginip ko, sumasakay daw kami ng train parang isang music vidoe ang dating kasi may background pa na Turkish song, yung paborito kong Turkish song. Siguro dahil yun sa kagagawa ko ng slideshow kagabi na di ko namalayan ala una na pala ang oras (haha) At dahil sa panaginip na yun ay tinanghali ako ng gising(haha) at gutom. Buti na lang hindi papasok sa trabaho si D'one kasi may ihahatid sya sa ate nya sa Caloocan, kaya pag gising ko ready na ang breakfast. Ang galing naman! nagluto sya ng fried rice, ang dami kasi natirang kanin kagabi, tapos may tirang Spam din kaya naisipan nya mag fried rice. Nilagyan na rin nya ng itlog at nag prito na rin sya ng Beef tapa. Ang sarap ng beef tapa, grabe naka 2 cups rice ako.(hehe) Magandang araw ng Lunes pala noisemates! Ingat lagi para happy ang araw natin:)

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.