Nabudol ako ng Bakla π¬ Ito amg dahilan kung bat ako wala dito buong araw π Kumusta noisemates? pasensya na ngayon lang naka bukas ng noise.cash, mula kanina alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon ay nasa parlor ako, .nagpaganda lang si manang hahaha ... ang tagal ko na plano mag pa rebond pero dahil sa virus nga natatakot pa ako pumasok sa parlor, pero di ko na talaga matiis ang gulo ng buhok ko haha kaya nag set talaga ako ng araw para magpa rebond at yun na nga kanina. Satisfied naman ako sa Brazillian rebond nila, pero sa huli ay naisahan ako ng baklang iyon. Ang kausap ko kasi ay babae ang package ng Brazillian rebond sabi nya ay 2500 pati na kulay at gupit . So si babae naman talaga gumawa ng rebond hanggang matapos nya ang last step na treatment. Habang nakabadbad sa treatment ang buhok ko at naghintay sa tamang oras para e blower ay may ginawa syang pedicure sa isang customer at maya maya, ewan ko ba bigla na lang lumapit sa akin ang bakla at blinower ang buhok ko tas sabi nya ok na tapos na. Nagulat pa ako ng sinabi nya tapos na, sabi ko magpa ngupit pa ako eh, tas kinuha nya ang gunting hindi man lang nagtanong anong style. At bago pa nya gupitin ang buhok ko sabi ko soft layered lang sabay pakita ko sa kanya ng picture na nasa cellphone ko. Aba nainis ako at sinabihan pa ako na ganun pa rin hindi mahahalata ang layered sa buhok mo kasi soft layered lang , sabi ko basta yan ang gusto ko ayaw ko ng V shape na layered . Ewan ko ano ginawa nya sa buhok ko sa likod di ko na nakita basta 1- 2 -3 lang ang gupit nya tapos na. Wala... hindi nangyari ang gusto kong gupit ng buhok. So natapos na nga at tinanong nya ang babae kung magkano tas sabi ng babae 2500. Nang inabot ko ang 2500 sabi ng bakla 2580 kasi 80 yung trim. Sabi ko eh 2500 ang package ng babae usapan namin with gupit na. Eh kesyo daw sya ang nag gupit, hahaa?!? ganun?!? Hindi na lang ako nakipagtalo kasi ayaw ko masira ang mood ko. Sabihan ko rin sana ang babae na bat ganun siningil pa ako sa gupit na package na yun sa 2500. Pero hindi na lang ako nagreklamo kasi ang inisip ko ay satisfied naman ako sa result ng rebond ng babae, inabutan ko pa sya ng 70 pang merienda. Plano ko sana bigyantip 150 ang babae pero dahil binudol ako ng bakla naging 70 na lang. tsk!tsk! Charged to experience ko na lang yun sa parlor na yon. Sa susunod di na ako paloko, sabagay kunting halaga lang yon 80.00 pero dapat kung ano ang usapan na presyo ay yon na yon. π
5 comments
Wow rain or shine sis hehe hayaan mona sis wagkana diyan ulet mgpa parlor hehe,enjoy your day nalang sis,ingat po kayo palagi and God bless
Sana all sis ngpapabeauty. Good evening sis
Magandang gabi din sa yo sis .. bleesed ka sis kasi no need ka na pa rebond, natural straight ang hair mo ako kasi wavy na makapal pag di e rebond π
Ngpprebond din ako sis. Yearly din sis. Hahaha. Night sissy
Wow ayos na sisπ Ganda na