Champorado for breakfast :) Halo noisemates! kumusta ang tulog nyo kagabi? Sana maganda ang gising mo na may ngiti sa mga labi at puno ng pagmamahal ang puso :) Tapos ka na ba nag almusal? Ako ito lang ang almusal ko Champorado with powdered milk, ang dami kasi kanin lamig kaya ginawa ko na ng Champorado. Maaga na lang ako magluto ng lunch. Ano ang plano mong gawin ngayon araw noisemate? Ako maglalaba, samantalahin ko na habang mainit pa, kaya lang baka mamaya pagkatapos ko lang magsampay ay bubuhos na naman ang ulan . Ingat kaingay! enjoy your weekend:) @ezo 9:14am 9/04/2021
2 comments
Sarap naman niyan..para tuloy gusto ko gumawa niyan mamaya for meryenda kaso mas masarap kung malagkit na kanin ang gagamitin ko.😋😋nakwekwento ko palang nagugutom na ko..😅
Oo masarap nga ang malagkit ,, pero ok din naman kung plain rice basta pakuluin mabuti hanggang lumapot ito