read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Ikaw At Ako~ ( Sweetie) •Part5 Halo po mga kaibigan kong maiingay? mag siesta sana ako pero mas gusto ko makipagkwentuhan na lang. Itutuloy ko na ang huling part ng kwento "Ikaw At Ako", kung hindi mo nabasa ang part 4 narito ang link para maka relate ka sa buong pangyayari sa nakaraang tagpo. https://noise.cash/post/18v4g6x2 ...dito natin umpisahan ang part 5 ... At sa huling sandali, isang napakainit na halik sa mga labi, sabay tulo na naman ng mga luha namin dalawa, luha dahil mami miss namin ang isa't isa, at hindi namin alam kung magkikita pa ba kami ulit. Alam ko pareho ang nasa isip namin ni Benj sa mga oras na iyon, na sana tumigil muna ang pag ikot ng oras dahil nais pa namin makapiling ang isa't isa. Bigla ko naalala ang oras, mag aalas onse na at dalawang oras na lang ay aalis na ako. Pauwi na sana ako sa bahay ng tawagin kami ni Nene, niyaya nya kaming dalawa ng Benj na mag lunch muna bago ako umalis. Na sorpresa ako ng pumasok kami sa kusina nila Nene, nandun ang mama at kapatid ni Nene at ang daming pagkain sa mesa at may cake pa na may design " I ❤️ You, Sweetie ". 'Yun pala kakuntsaba ni Benj si Nene na maghanda para pa despedida party sa akin. Naluha tuloy ulit ako sa sobrang tuwa at biniro ko si Benj " Teka.. sino ba si Sweetie?" nagtaka talaga ako bat sweetie ang nakalagay na pangalan sa cake, hindi ko pa kasi sya narinig na tinawag nya akong Sweetie. " Sino pa ba di Ikaw" sagot ni Benj na tumatawa. " Ang daya mo Benj, bakit ngayon mo lang ako tatawagin na Sweetie kundi man aalis na ako" naglalambing kong tanong kay Benj na kunwari nag tatampo. "Ehhh di huwag ka na muna umalis, para marinig mo pa ang boses ko na tawagin kitang Sweetie" sagot ni Benj sabay hug nya sa akin. (hehehe ) ang saya saya ko sa mga oras na yun, ang sweet naman ng tawag nya sa akin. Ayiee! pero sana noon pa nya ako tinawag na sweetie, kundi man palis na ako. Pero okay lang yun , kahit papano ang sweet naman. Ang saya namin nagtatawanan at nagkwekwentuhan habang kumakain, pero ako makahalong lungkot at saya. Lungkot dahil magkakalayo na kami ni Benj, at saya dahil damang dama ko ang sweetness at love ni Benj sa huling sandaling iyon. Pagkatapos namin kumain ay niyaya ko na si Benj sa bahay, alam ko hinahanap na ako nina Mom. Isang oras na lang at aalis na kami. Nagtaka si Benj bakit ko sya niyaya sa bahay, dati kasi ayaw na ayaw ko syang makita ng parents ko at mas lalo na ayaw ko malaman nila Mom na may boyfreind na ako. Ngunit naisip ko na makabubuti na makilala nila Mom si Benj bago kami bumalik sa Cebu. Ang saya ni Benj ng pinapasok ko sya sa bahay kahit nandun sina Dad at Mom. At ng pinakilala ko na si Benj kina Dad at Mom ay nagulat ako bakit parang wala silang reaction, as if alam na nila ang tungkol sa aming dalawa ni Benj. Kung alam ko lang na hindi pala magagalit si Dad na magkaroon na ako ng boyfriend ay sana matagal ko na si Benj pinakilala. ( hehehe) Malamang si Kuya ko ang nag kwento tungkol sa amin ni Benj. Aba! si Dad hindi masungit kay Benj?!? may pa chika chika pa silang dalawa, buti na lang itong si Benj ay medyo madaldal rin kaya No dull moments silang dalawa ni Dad. Nagkasundo sila lalo na ng malaman ni Dad na Nautical student si Benj. Ang Dad ko kasi ay isang Chiefmate sa barko kaya sila nagkasundo sa mga topic napag-usapan nila. May pa interview pa si Dad na akala mo ay si Boy Abunda at nasa hot seat si Benj ( hahaha) fast talk na lang yata ang kulang. At natawa kami ni Benj ng may huling habilin pa si Dad sa amin. Mag-aral daw kami ng mabuti at magtapos muna bago mag asawa. (hahaha) grabe naman si dad, asawa na agad? Damang dama ko sa mukha ni Benj kung gaano sya kasaya ng pinakilala ko sya sa parents ko. Maya maya ay dumating na si Uncle, ihahatid na nya kami sa pier na isang oras pa ang byahe.Tumulong si Benj pagbuhat ng mga bagahe nila Mom at ako naman ay nagpaiwan muna sa loob ng bahay at hinintay ko si Benj para magbuhat ng bag ko, pero sa totoo lang sinadya ko magapiwan muna kasi gusto ko pa ng isang goodbye kiss ni Benj (hahaha) ng bumalik si Benj ay yun na nga, sinamantala na naman namin ang natitirang mga segundo. Isang napakahigpit na yakap at pinakamatis na halik sa labi pero wala ng luha kundi ngiti at isang napakasweet na " I love you sweetie" na binulong sa akin ni Benj. Ayieei! ( kilig moments hahaha) . At dahil nagsanib pwersa na naman ang init at tamis ng mga sandaling iyon ay hindi namin narinig at namalayan ang bosena ng sasakayan (hahaha ) hinihintay na pala nila ako, kanina pa pala si uncle bosena ng bosena (hahaha) kaya dali dali na kami ni Benj tumakbo palabas muntik na tuloy ako madapa (hahaha) Yan ang huling tagpo ng kwento namin ni Benj na nabuo sa loob ng isang Summer.Hayyy! nakakamiss ang buhay teenager . hehehe Ano kaya ang mangyayari sa LDR namin ni Benj? Sundan ang susunod na kabanata ng kwento namin ni Benj at ito ay pinamagatan "Mahal Mo Pa Ba Kaya Ako?" Salamat sa pagbasa,, hangang sa muli... #ikawatako #kwentongbuhay #pagibig ~ezo~ 3:47pm 8/09/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.