read.cash Log in
@zoe316

Gulay para sa magandang buhay! :) Ito ready na lutoin ko para sa almusal at hangang tanghalian na rin kung may sobra pa. Puro gulay, prutas at isda ako bago sumalang sa Mammogram ko. God's well sa Martes na ako magpa Mammogram kaya hinahanda ko na ang sarili ko at dalangin na maganda ang resulta. Medyo nababahala na naman ako, kasi maliban sa nakapa kong bukol sa kaliwang dibdib noong nakaraang linggo ay biglang kumirot na rin ang kanang dibdib ko noong isang araw at mag nakapa rin akong bagong bukol sa kanan bahagi naman :( ... Panalangin ko na itong mga kinakain ko ay makakatulong para maging maganda ang resulta ng Mammogram ko. Dalangin ko na bawat subo ko ng mga gulay at prutas ay mawala ang ano mang cancer cells sa katawan ko. Magandang umaga noisemates! pasenya na ha kung di ko kayo agad masuklian, mabagal an pasok ng ft eh :D O sige na guys, magluluto muna ako after nitong post. Mapapa aga ang almusal ko ngayon kasi ang aga ko naghapunan kagabi, ngayon pa lang nagugutom na ako :D Salamat Lord for the good appetite kahit walang lasa dahil sa kunting asin at walang timplang magic sarap ang pagkain ko :D

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.