Hey noisemates! kumusta na? Sa wakas nakauwi na rin kami sa bahay. Pasensya na di ko nasilip ang mga posts mo. Alas singko pa ng umaga kami umalis at alas 6 y medya na ng gabi nakauwi. Galing kami sa Condo ng ate ni D'one, may ipapaayos sana sa kisame sa CR pero hindi nagawa, sabi kasi ng Enginner gawan pa ng schedule marami pa daw nauna na units ang irerepair nila kaya schedule ulit kami babalik doon sa Hwebes. May data naman sana ako pero sobrang bagal ng signal ng Globe doon kaya hindi ako nakasilip dito. 😐 Medyo matraffic sa ibang bahagi ng Edsa kaya ginabi kami ng uwi, dalawang oras din byahe namin ah mula Pasay hanggang Bulacan. Nakakapagod ang traffic sa Edsa, Sa susunod doon ma kami dadaan sa Skyway para mabilis, 30 minutes lang ang byahe kaya lang ang mahal ng bayad sa toll gate. 😉 Itong larawan ay kuha ko sa NLEX toll-gate (North Luzon Ecpressway) pauwi na kami nyan, dito mura lang ang bayad kung dadaan ka tag 54 pesos lang samantala sa Skyway 264 pesos. Sayang hindi ko naabutan ang sunset ng dumaan kami sa.NLEX. Dati kasi bago mag pandemic araw araw kami dumadaan dito kaya marami akong sunset photography dito sa NLEX. 😊
1 comment
Okay lang sis Ganda parin Naman Ng langit na nakuhang mo.