~Friday the 13th~ Isang bagong laba na pusa na ginamitan ng bleach (hahaha) ang puti kasi, napaka cute ng pusa ng pamangkin ko, at ang mga mata ay parang marbles cool na cool blue. Pampa good vibes ko ito ngayon araw ng Friday the 13th. Speaking of Friday the 13th, sabi ng iba ay unlucky day daw. Mga pamahiin lang naman yan ng mga matatanda, pero sabagay wala naman mawawala sa atin kung mag ingat tayo kapag Friday the 13th. Aalis sana kami ngayon ni D' one, pero naalala niya na Friday the 13th at sya na mismo nag sabi sa akin na bukas na lang daw kami aalis dahil nga Friday the 13th. Sabagay, hindi rin naman importante ang lakad namin kaya yun di na kami natuloy. Ewan ko bat naisip yun ni D'one tungkol sa pamahiin na iyan, dati hindi naman yan sya ganun naniniwala. (hahaha) naisip ko nagdadahilan lang ito para hindi kami makaalis kasi may pinapanoon syang movie kaya ayaw nya umalis nag eenjoy yata sa movies hahaha now I know ... Mag ingat lang noisemates,, kahit naman hindi Friday the 13th dapat mag ingat lagi.. @ezo 10:41am 8/13/2021 #goodvibes #friday #tgif
3 comments
my lucky day, ate
Lucky you Jer! kumusta na ang pakiramdam mo sa side effect ng bakuna
I am feeling okay na po, ate Madz. Salamat. 4 days din yung side effecs sakin.