read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ang puto kong hugis leche flan! hahaha Ang daming harina pinadala ng ate ni D'one kaya naisipan kong magluto ng puto cheese. Pero ang puto ko ay kakaiba hahaha kasi sa hulmahan ng leche flan ko sya niluto. Gusto ko kasi isang salang lang, ang mahal ng LPG eh. whereas kung sa hulmahan ng puto ay malamang maka tatlong salang kasi maliit lang ang steamer ko. Ang sarap nya para din puto ng Red Ribbon at Goldilocks. Bukas iba naman na pang merienda ang lulutuin ko gamit ang harina, maghahanap ako sa YouTube anong kakanin ang magagawa ko sa All purpose flour. Balak ko rin gumawa ng Polvoron ala Goldilocks. Ahuh! subukan ko nga rin gumawa ng pandesal, bread flour pala ang nakalagay sa label. Ngayon ko lang to napansin ng pinicturan ko, akala ko all purpose flour to. Pero pareho lang yan harina pa rin .😆

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.