Bago ko idelet itong mga pictures sa phone gallery ay i post ko na muna dito. Full storage na kasi ang phone kaya kailangan na magdelet. Kuha tong mga pictures sa Hundred Islands noong 2019. Nakaka amazed ang ganda ng nature, mapapa wow.ka talaga habang nakasakay ka sa bangka matatanaw mo ang maraming maliliit na isla. Hindi ko akalain makapunta dito sa Alaminos Pangasinan. Bilang taga Cebu di ko pinangarap na makapamasyal dito dahil sa layo nito. Kahit sa panaginip ay hindi ito inaaasam. Ang buhay nga naman, walang imposible kung ipagkatiwala sa Maykapal ang ikot ng buhay mo. Ang Panginoon na mismo ang Syang gagawa ng paraan para makamit mo kahit hindi mo pinangarap. 😀 Kumusta na mga noisemates! hindi ko na habaan ang kwentuhang ito. Baka bigla na naman mamatay itong cp😄 alam mo ba na hindi ko na mabilang pang ilang attemp ko na to na post mula pa kaninang umaga. Yung isang linya na lang sana at biglang shut down. Talaga naman nasira ang araw ko dahil dito sa phone.😬😄 Limang picture sana to pero ayaw na mag upload dahil parang sasabog na s itong phone sa sobrang init 😣😁
No comments yet