~ Totoong Kaibigan ~ Meron ka na bang nakilalang tao sa isang social media tapos ng magkita kayo in person ang treat nyo sa isa't isa ay parang matagal na kayo magkaibigan personally. Siya si Kaori, isang half Japanese pero naninirahan na sa Cebu. Lumabas ito sa fb memory ko kahapon, ang araw noong una kami nagkita in person. Si Kaori ay na met ko sa Smule, isang platform para sa mahilig kumanta. Pareho kaming member ng isang group sa Smule. Sa group chat namin ay doon ko nalaman isa pala syang bisaya. At dahil parehong bisaya we added each other sa facebook. At mula noon ay naging close na kami kahit sa facebook lamang. Year 2019, ay umuwi ako sa Cebu at bago ako bumalik ng Manila ay minessage ko sya na nasa Cebu ako. Natuwa sya ng malaman nya nasa Cebu ako at niyaya nya ako na mag kita kami bago ako bumalik sa Manila. Noon una nag alanganin ako nakipagkita sa kanya. Nahihiya ako baka kako after namin magkita magbago na sya at hindi na nya ako kakaibiganin sa facebook. Dahil busy sya sa business nya ay hindi kami nakapag set ng araw, hanggang dumating ang araw ng flight ko ay cancelled nya lahat ng lakad nya para lang makipagkita sa akin bago ako pupunta ng Airport. Sa araw na iyon ay dala dala ko na ang bagahe ko, 9 pm pa ang flight ko pero after lunch lang ay umalis na ako ng bahay. Sa SM Seaside kami nag kita, excited na kami nag uusap sa phone kung saan banda sa loob ng SM kami mag meet up, kung ano ang suot nya. at kung ano ang suot ko. Sa laki ng SM Seaside ay para kami nag hide and seek ( hahaha) At nang kami ay nagkita ay para kaming magkaklase noong high school na matagal na hindi nagkita. Ganyan ang first impression namin sa isa't isa. Kwentuhan, tawanan na para bang hindi iyon ang una namin pagkita in person. Hindi kami awkward sa isa't isa. Kung ano ang kulitan namin sa chat ay hindi nagbago in person. Apat na oras din ang chickahan namin, kulang ang oras na iyon pero kailangan ko na umalis papuntang Airport. At iyon na ang drama moment after ng tawanan. Hindi namin mapigilan ang mga luha namin at mahigpit na kayap ng isang tunay na magkaibigan. Di ko akalain, sa maikling panahon na iyon ay maipadama namin ang genuine friendship. Doon namin napatunaya na hindi peke ang pagiging magkaibigan namin sa facebook. At sa ngayon mahigit tatlong taon na ang friendship namin. Sana isang araw ay meeon din ako ma meet in person na noisy friends. Hindi yan imposible lalo na kung wala na itong Pandemic. :) #kaibigan @ezo 5:03 9/04/2021
5 comments
Isa din napansin ko...nun buksan ko Ang photo...nsreenshot sya n nkbukas sa picsArt...nice online friendship meet up
Oo nilagyan ko kasi ng effects at name ko at pointing finger kung saan ako using picsArt hehe ,,
A oo nga Pala, need to point yourself...maganda makakilala k d2 s noise, binata nmn...
Ahaha binata talaga ?
Masarap yung makilala ng isang bagong kaibigan. Sana may mameet din akong Ganyan l.