read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Grabe Alas tres na ito pa lang ang unang post ko . Kaninang umaga ko pa nga hawak hawak tong selfon ko at maka ilang attempt na rin akong mag post pero hindi ko alam pano umpisahan ang kwento ko. Blanko ang utak ko dahil siguro sa kulang sa tulog. Alangan naman, mahigit tatlong oras lang yata ang tulong ko kagabi ah.... Nagising kasi kami alas kwatro ng madaling araw dahil sa ingay ng aso, at 'yun na nga hindi na kami nakatulog ulit, nawala ang antok kaya kwentuhan na lng kami ni D'one. Madaling araw tawa ng tawa kami, binalikan namin ang mga buhay namin noong hindi pa kami nagkakilala at ang mga araw kung paano kami nagkakilala.(haha) Kaya tuloy hindi namin namalayan 6:30 am na pala at tuluyan na talaga hindi na kami ulit nakatulog. Nagtimpla na lng ako ng gatas para sa akin at kape para sa kanya at kwentuhan ulit. ( haha) Mag post sana ako pero wala akong maisip na content. Hanggang sa oras ng tanghalian, pinicturan ko pa ang ulam namin at e post ko na sana pero di ko alam ano ang isusulat ko (hahaha). Ganyan pala pag kulang sa tulog ano? hindi rin gumagana ang utak (haha) Pero sa mga oras na ito ay dinadalaw na ako ni Antok, kailangan makaidlip man lang pero dapat makapost man lang ako kahit isa bago matulog. At dahil wala nga akong maisip na content, ay itong si Antok na lang ang content ko. ( haha) Hayyyy buhay!!! pasensya na sa kwento ko, may maisulat lang. Sige bye! tulog muna ako ha?!? hehehe)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.