read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Tara na sa Tapa King! Pero imagination ko na lang ito guys. hahaha Natakam ako ng makita ko to sa gallery, kuha ko to noong Huwebes nang pumunta kami sa Condo Unit ng ate ni D'one. Dito sa Tapa King kami bumibili ng pagkain tas e take out lang namin at doon na sa condo kakain. Yan ang breakfast meal ng Tapa King. Ang bangus kay D'one at Longganisa naman sa akin. Kumusta kayo kahapon guys!? !grabe na miss ko kayo haha... akala ko katapusan na ng pag iingay natin. Ganun pala ang feelings pag wala na ang noise.cash, ang sakit din sa dibdib na mawalan ka ng mga virtual friends. Kahit pa man hindi natin lubosan kilala ang isa't isa, pero dahil sa pamamagitan ng mga kwento ng buhay natin araw araw na binabahagi natin dito ay nakikilala na rin natin ang isa't isa, kaya sobrang nakakamiss talaga, naluluha na nga ako kagabi haha bago matulog chineck ko ulit pero wala pa rin.... sakit sa damdamin mawala si noise.cash hahahuhu masakit dahil syempre ma miss ko kayo at hindi ko pa nabuo ang 1 BCH hahaha.. Guys, bagong Channel ko pala ito " Sarap! Lami! Yummy!" . Ngayon ko lang ginawa ito, .naisipan ko gumawa ng food channel kasi ang pagkain ay isa sa paborito kong content. Welcome kayo mag post dito ng mga ulam, panghimagas o ano pa man na pagkain. Paki basa na lang muna ng Rules bago mag post ..hehe salamatt guys magandang araw!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.