read.cash Log in
@zoe316 more from that month

"Kung Hei Fat Choi!" "Happy Chinese New Year! " po sa lahat pinoy man o intsik 😂 Naku tinanghali na naman ako. Kumusta noisemates? nakapagluto na ba kayo? ako hinid pa 😉 Makipag kwentuhan muna ako bago magsaing, busog pa naman kami kasi katatapos lang mag snack ng soipao. Hindi ka na siguro nagtaka bakit Tiger ang picture sa content na ito kasi nga year of the Tiger ngayon 2022. Alam mo ba na ayun sa Feng Shui maswerte daw yong Zodiac sign na Pisces ngayon 2022, well hindi naman talaga ako naniniwala tungkol sa kapalaran batay sa Zodiac sign, ang Panginoon pa rin ang Syang nagbibigay ng blessing o sabihin na natjn swerte. Nasa pagsisikap mo at gabay ng Panginoon para sabihin na swerte ka ngayon 2022. Sabagay, sabi nga nila na wala naman mawawala sa yo kung maniwala ka, ang mahalaga huwag lang kalimutan ang manalangin at humingi ng gabay sa Maykapal para magkatotoo nga na swerte ka sa taong ito hindi lang ang Pisces kundi lahat. Pero dito ako natuwa sa lucky color. Isa sa lucky color ayun sa Feng Shui ay mint green. Tama lang paborito ko ang kulay na yan. Kaya bilang isang Piscean na ang paborito ay kulay Green, para bang sinasabi na maswerte ako sa taong ito hehehe God's will 😀 O sige na noisemates, mamaya ulit mag kwentuhan tayo, magsaing muna ako hehe naku alas Dose na 😉 Pahabol: Ang larawan ay Oil Painting Digital artwork ko...

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.