read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Dawn Zulueta /Actress ~ Halo noisemates! kumusta na kayo? after 24 hours ngayon lang ulit nakatambay dito. Ewan ko ba, lutang ako buong araw walang nagawang content dito, walang na upload sa youtube at sa redbubble. As in zero ang earnings ko ngayon araw. Ang isip ko kasi ay nan doon sa malayo, hindi ko maiwasan ang mag alala kapag may sakit ang kapamilya na wala sa piling. Oras oras tinatawagan ko para kumustahin lalo na sa oras ng pag inom ng gamot. Syanga pala, nagtaka ba kayo bakit si Dawn Zulueta ang larawa nitong post.ko? Screen grab lang po ito sa video ng Vlog nya at naaliw ako sa kanya at napa Wow ! dahil ang ganda pa rin nya kahit medyo may katandaan na, bagay na bagay sa kanya ang buhok nya na hindi kinulayan at kitang kita ang mga puting buhok. Sinave ko ang litratong ito kasi gusto ko pag maputi na ang buhok ko ay gagayahin ko ang hair style nya at hindi ko rin kukulayan. 😄 maganda di ba? cool na cool ang dating 😍

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.