~ Salamat Lord! Salamat Doc! ~ Kumusta ang Sabado mo noisemates? Kararating lang namin galing Supermaket, at bumili na rin ako nitong Buah Merah. Narinig mo na ba tungkol dito sa Buah Merah? o na try mo na ba ito inumin? Alam mo, bale maintenance ko na to para iwas sa mga sakit for almost 5 yrs. Anti Oxidant ang Buah Merah at maraming sakit ang nagagamot nito. Dati pag meron ako monthly period akala ko mamamatay na ako dahil sa heavy flow at sobrang sakit ng puson. Hanggang isang araw ay sinugod ako sa hospital at sasalinan na sana ng dugo pero ayaw ko na mahaluan ng ibang dugo na hindi ko kilala. Wala kasi ako relatives o family members na pwede maging donor. Doon din nalaman na meron pala ako Mayoma kaya nag bleeding ako. Handa na lahat para sa surgery ko, kompleto na ang nga laboratories ko . Pero grabe talaga si Lord, may ginawa syang himala kaya hindi natuloy ang surgery. Alam ko plano yon ni Lord kasi siya na lang ang gagamot sa akin. Biruin mo ba naman , hindi na tuloy kasi nawawala ang folder nakalagay doon ang mga laboratory results ko. Mismo ang Head Nurse at ang Doctor na syang nag keep ng folder na yon ay nagtaka kung nasaan na ang folder , doon lang naman daw nya nilagay sa filing cabinet . Nang malaman ko ang nangyari, napangiti ako sabay sabi sa isip ko " Lord, ikaw ba ang kumuha ng folder ko? tinago mo ba Lord dahil ayaw mo matuloy ang surgery?" hahaha suspect si Lord. 😁😄 Pero yong ate ko nang malaman nya na nawawala ang folder ay nagalit sya, sabi nya sa akin i report ko daw sa Admin ng Hospital o mag reklamo daw ako o pagalitan ko daw sila 😂 Ipa Tulfo ko daw hahaha at mas nagalit sa akin ang ate ko kasi wala akong ginawa parang natuwa pa daw ako sa pagkawala ng mga labodatory results . 😂 Natahimik ang ate ko nang sinabihan ko sya " Hayaan mo na te, di na matutuloy ang surgery. Answered prayer to, naniniwala ako na tinago ni Lord ang folder na yon kasi ayaw nya matuloy ang surgery ko. Pagagalingin ako ni Lord, ilpinakatiwala ko na lahat sa Kanya" 😊 At hindi nga natuloy ang surgery. At isang araw, hindi sinasadya may napindot ako na isang video sa YouTube, yon ay tungkol sa Buah Merah. Nag ka interest naman ako na panoorin dahil isang testimony ng babae na gumaling daw ang Mayoma nya dahil sa Buah Merah. Mula noon ay nag research na ako about Buah Merah, at wow tamang tama lang meron nag bebenta ng Buah Merah doon lang din malapit sa pinagtatrabahuan ko. Gawin natin maiksi ang kwento. Mula noon umiinom ako ng Buah Merah ayon sa dosage nya para sa Mayoma ko. At unti unti ko naramdaman gumagaling na ako, hanggang tuloyan wala na akong makapa na bukol sa puson at hindi na nag bleeding. Hanggang ngayon, umiinom pa rin ako for maintainnace na lang para iwas na sa kung anu anong sakit. 😊. Amazing talaga si Lord! my healer 😊 Tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon ay napapailing ako at napapangiti sabay tanong sa sarili " ano kaya nangyari sa akin kung natuloy ang surgery, successful kaya ang surgery o baka naman dead na ako ?" hahaha Ito ang nakakatawa guys, bumalik na ako dito sa Luzon. Sa Cebu pala yon nangyari na operahan sana ako. Isang araw may tumatawag na unknown, hulaan mo kung sino ang tumawag? 😄 ang Doctor! si Doc na mag oopera sana sa akin, sabi nya "Zoe, nakita na namin ang folder mo pwede na natin ituloy ang surgery mo" 😄😁 sagot ko naman, "Doc, nandito po ako sa Manila, okay na po ako doc" 😀 Hindi na nya tinanong ano nangyari, sinabi na lang nya na kung sakali mag bleeding ulit ako ay tatawagan ko lang daw sya.😊 Ang bait naman ni Doc. "Salamag Doc! Salamat Lord!"
3 comments
You made me laugh while reading your story. You are nice and like to joke, but unfortunately I have never heard of this drink in my life, what is made of my dear
Mtesting ko ito, mukhang heath drinks
That's good , maraming health benefits.. at kayang kaya sa bulsa ..