Ganito palagi ang eksena sa tapat ng bahay kapag tanghali at may pasok. Busy ang mga magulang at studyante papasok sa klase at ang iba naman ay pauwi na. Nag aabot kasi yung mga pauwi na at papasok sa panghapon na klase, half day lang kasi ang pasko nila. Malapit lang sa bahay ang public school, mga tatlong bahay lang ang pagitan kaya ito palagi ang natatanaw ko kapag weekdays. Naaaliw ako panoorin ang mga bata kasama momshie at papshie nila. Ang ganda sana mag open ng tindahan dito lalo na mga school supplies. Sinabihan ko si D'one na magtinda ako ehhh ayaw yata, no comment sya eh 🤐😁
6 comments
Oo nga, maganda ng sideline din, magtitinda ng mga kakanin kapag school days, ginagawa ko Yan noon sa dati naming tinirhan.
Kaya nga sis gusto ko talaga mag open ng tindahan.. hindi business minded itong partner ko 😃
Mas marami na ang naghahatid sa motor dahil mahal ang pamasahe ngayon.
Oo sis mga naka motor at E trike ..ang iba naman naglalakad lang...
Trapik b sis sa daming tao
Oo sis palagi traffic sa tapat namin pag may pasok ..