read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ganito pa kadilim ang langit pagsilip ko sa labas ng bintana kanina , ang aga ko nagising wala pang 5am. Nagising ako dahil sa isang panaginip, pilit ko pag dugtongin mula umpisa ang panaginip ko pero hindi ko na matandaan ang buong detalye. Basta nandoon sa panaginip ko ang mga mahal ko sa buhay, na miss ko lang talaga sila dahil dalawang taon ko na sila hindi nakikita, 2019 pa ang huli kong uwi sa Cebu. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon ako at nagtimpla ng gatas at kumain na rin ng tinapay. Pagkatapos ko nitong post ay matulog ulit ako, ang sarap pa ng tulog ni D' one kaya mamaya na ako mag handa ng almusal. Magandang umaga sa mga gising na dyan. Sana maganda ang gising mo. Magpasalamat tayo kay Lord at ginising nya tayo ng may ngiti , may sariwang air, at mabuting pakiramdam. Salamat Lord! ang bait mo sa amin:) Kita kits ulit tayo mamaya ha noisemates... heading to bed again ... bye for now:) #goodmorning #goodvibes #cloudphotography @ezo 6:00am 8/20/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.