~ Ready for Enhance Community Quarantine~ Ang mga nangyayari ngayon ay parang rewind noong unang lockdown ( March 2020) . Magkakaroon na naman ng ECQ( Enhance Community Quarantine) isang mahihpit na lockdown ulit. Kahapon pumunta kami sa Supermarket para mamili lang ng foods stock good for 1 week. Wala pang pila sa ATM machine at sa Supermarket. Ngunit ng marinig namin ang balita kaninang umaga na magkakaroon na naman ng mahigpit na lockdown simula sa August 6 hanggang August 20,2021, kaya bumalik kami sa Supermarket kanina para dagdagan ang stock na foods good for 2 weeks. Ang haba ng pila sa counter,, tila nag papanic buying na naman ang mga tao. Akala mo may tindahan na namili ng paninda kasi punong puno ang malaking cart. Pero naisip ko din kanina habang pinagmamasdan ko ang mga tao,paano na kaya ang mga walang madukot at walang naitabing pera, kawawa naman kasi walang pambili. Sana may ayuda ipamingay ang gobyerno para sa mga walang madukot. Kaya mapalad pa rin tayo mga kaingay, kahit papano meron tayo madudukot sa ganitong emergency na sitwasyon. Kung mataas lang sana ang value ng BCH ay balak ko mag convert para mapadalhan ko ng ayuda ang mga mahal ko sa buhay sa Cebu. Sana bukas tumaas na ang BCH. :)
No comments yet