read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Manong Sorbetero ~ Sumama ako kaninang hapon kay D'one sa palengke pero hindi na ako bumaba sa sasakyan, maya maya may dumating na Sorbetero at sa bungad ng sasakyan tumambay. Ilang minuto lang nakalipas ay nagsidatingan na ang mga tao para bumili ng sorbetes, may isang sasakyan din pumarada at bumaba ang dalawang lalaki para bumili ng sorbetes. Aba sarap na sarap silang kumakain at natakam tuloy ako 😄lalo na ng makita ko ang apa ay yong paborito kong wafer cone. Pinagmamasdan ko lang sila at kinunan ng litrato. Gusto ko na sana bumaba para bumili din ng sorbetes ngunit may napansin ako kay Manong Sorbetero😣wala syang suot na face mask at nakikipag kwentuhan sa bumibili 😕ehhhh di ba tumatalsik ang laway nya doon sa ice cream 😁hindi naman sa maarte ako, pero alam mo naman kailangan observe pa rin sa health protocol. 😉 Pero ang sarap talaga siguro ng ice cream ni Manong, kasi binalewala na nila kung may face mask ba o wala si Manong Sorbetero 😊

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.