~Ayos Lang Ako, Kasama Ko si Lord eh~ Itong mga bulaklak ang gusto kong buena mano sa unang post ko ngayong araw at para na rin maglaho ang mga negative energy sa paligid, gusto ko happy thoughts. Alam mo bigla kasi sumama ang pakiramdam ko. Mabuti yun nakakarelax ang nakikita ko. . Maaga ako nagising kanina, 6:30 pa yata , nakapagluto na ng almusal, naglinis sa bakuran, nag ayos ng mga gamit at nagpahinga saglit tapos naligo na rin. Hindi ko namalayan ang oras 9:30am na pala at hindi pa kami nakapag almusal. Kagigising lang ni D' one, paano kasi gumising sya alas tres ng madaling araw para mag imbak ng tubig sa 3 malalaking drum, meron kasi advisory na walang tubig ngayon araw ang buong subdivision kasi lilinisan nila ang reservoir. 10:00 am na kami nakapag almusal, heavy breakfast kaya malamang ang lunch namin nito ay alas 4 na ng hapon π Ang dami kong nakain ah! busog na busog, simot ang pork liver steak, nang naisipan ko na kunan ng litrato para sana e post, nagtawanan na lang kami ni D' one kasi sino ba naman ang maka isip pa na picturan ang pagkain eh late na nga ang breakfast. π At bigla akong napa aray! sabay himas ng dibdib ko. Kumirot bigla ang dibdib ko. π£pinainum ako ng tubig ni D' one. Naalala ko na bawal pala sa kin ang sobrang busog. Dahil sa Gerd ko kailangan paunti unti lang ang kakainin ko, hindi yun biglaan na busog. Kaya tuloy nagka heart burn ako. Uminum din agad ako ng ginger tea, at nag relax nakinig ng praise songs para hindi ako mag palpitate. Nag papanic attack pa naman agad ako kapag meron akong nararamdam, lalo na kung sa heart ko. Kaya nakakatulong na e relax ang sarili ko pati na ang mind ko dapat happy thoughts lang. Sa ngayon slight pain na lang, mawawala din ito kapag nakapag relax . Thanks Lord at hindi ako nagpalpitate... ayos lang ako, kasama ko si lord ehπ hindi nya ako pababayaan ππ»π Hanggang dito na lang muna kaibigan. Magpahinga muna ako't matutulog. Kita ulit tayo mamaya .. ingat ! π @ezo 12:52pm 7/17/2021
1 comment
I love the color of your periwinkles gandaβ€οΈ Ganda din ng Senya's mo. They will truly brighten your day and make you happy and grateful na you are able to see these awesome creations of God. Whatever it is that's troubling you sis surrender everything to God. He will never fail you. Just trust in his mercy and Love. All is well. Sending my prayer of peace and comfort for you. Well-being abounds sis.