Going to China Town ... Tatlong taon din ako di nakasakay ng LRT dahil sa pandemic, at noong Lunes nakasakay na ulit. Balik normal na ang byahe, wala ng social distancing sa loob at hindi na rin hinahanapan ng Vaccine Card. Sana ganun din sa plane para makauwi na sa Cebu. Kuha ko yan noong Lunes. Pumunta ako sa China Town kasama si D'one, nag commute lang kami kasi walang mapaparadahan doon sa pupuntahan namin sa Ongpin St. Doon kasi ang clinic ni Doctor Tan, isang Chinese herbalist. May nagrefer na kaibigan ng ate ni D'one na mahusay daw sa paggagamot gamit ang Chinese herbal medicines. Marami na daw syang kakilala na gumaling kahit cancer o ano pang mga chronic disease. Narinig nyo na ba ang kwento ng pang gagamot ni Doctor Tan? May kaibigan ka ba naging pasyente ni Doc. Tan na gumaling na ?
No comments yet