read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Paboritong Puto ~ Tinanghali ako ng gising, hindi kasi mahimbing ang tulog ko kagabi dahil dito sa scoliosis ko. Kahit anong posisyon ko sa paghiga ay di ako komportable. Kung anu-ano na naman ang hinaplas ko, ayaw ko kasi uminum ng pain reliever. Hindi ko talaga ugali ang uminum ng pain reliever hanggang makaya ko pa. Naalaa ko nga noong nagka frozen shoulder ako.. Uuf! grabe ang sakit ng frozen shoulder as in! niresitahan ako ng Doctor ng pain reliever na first time ko narinig ang pangalan. Bumili naman ako ang mahal pa naman tag 60.00 pesos ang isang tablet. Pero, naalala ko i research muna bago inumin at ng mabasa ko ang side effect at hindi pala approve ng FDA ay hindi ko na ininum. Kaya tiniis ko na lang ang sakit ng frozen shoulder ko na tumagal ng 9 months.(huhuhu) .. Ganyan ako, hindi ako umaasa sa gamot kung may nararamdaman akong sakit sa katawan. Teka... ang layo na ng pinag-uusapan natin sa larawan nakapost (hehe) balikan muna natin ang puto. (haha) ito yung binili kahapon ni D' one sa Red Ribbon. Kahit araw-araw ito ang almusal ko hindi ako magsasawa tas paresan ng hot choco .,,, Hhhmmm naalala ko ang hot choco ni @Firenze0725 kahapon :D Kain na tayo guys! #latebreakfast #puto #kakanin

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.