read.cash Log in
@zoe316 more from that month

•Feeling down Kumusta na kayo mga noisemates? sana okay lang kayo... pasensya na kahapon hindi na ako nakasilip ulit dito pagkatapos ng isang post, hindi ko man lang ma replyan ang mga comments at nasuklian ang mga nagbigay ng pagmamahal 😊 After ko lang kasi mag almusal kahapon ay umalis agad ako papunta sa OB Gyne clinic para mag pa check up. Isang linggo na kasi ako may nararamdaman on and off na kirot sa left abdomen ko. Inultrasound ako , TVS Ultrasound , at hindi maganda ang resulta na naging dahilan kung bakit para gumuho ang mundo ko at na depressed ako, May nakita kasi sa Uterus ko na kailangan daw operahan para malaman kung cancerous ba ito. Tatanggalin daw ang Uterus ko at pati ma rin yata ang Matres. Ewan ko, hindi ko maintindihan ang Doctor kung ano ang tatanggaling nya, di ba dapat sana e explain nya sa akin ano itong na diagnosed nya sa akin, dapat pina intindi muna nya sa akin kung bakit kailangan surgery. Basta inabot lang nya sa akin ang result ng Ultrasound tapos sinabihan ako na maghanda ng 150k para sa opera tapos inabot din nya sa akin yung mga ipa laboratory tests bago gawin ang surgery. Hindi man ako Doctor o expert sa larangan ng paggagamot pero may mga experiences ako sa mga Doctor ko sa dati. Dapat kasi pinapaintindi sa pasyente anong sakit ito at bakit kailangan operahan at kung ano ang mga risk sa surgery o kung meron ba mga alternative medicine sa halip na surgery.😕 Nautal at na blanko ang isip ko ng sinabi agad nya na ooperahan ako lalo na ng sinabi nya na maghanda ng 150k 😣. Pag uwi ko sa bahay at saka ko palang naisip ang mga dapat ko sana itzanong sa kanya. Sinearch ko na lang sa Google ang tungkol sa thickened Endometrium kung saan iyon ang nakasulat sa diagnose nya. Gusto ko magpa second opinion sa ibang OB Gyne bago magpa surgery, ok lang naman di ba noisemates na magpa second opinion, ano sa palagay mo noisemate? 😯

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.