Banana Pancake + Turmeric tea = Yummy! :D Sa halip na sugar ay saging ang hinalo ko pampatamis, mas masarap ah! tas mainit na Turmeric tea sa maulan na hapon ay talaga naman pumatak ang pawis ko. hehe Kanina kasi giniginaw ako, naka sweater at medyas pa ako. Wala naman ako lagnat, pero giniginaw ako tas kumikirot na naman ang bukol ko :( ... kaya inom agad ako ng Turmeric, anti inflamatory kasi ito kaya tuwing kumikirot ang bukol ko sa dibdib, ito lang ang gamot ko. May niresita nga sa akin ang Docktor na anti inflamatory na gamot, nakabili ako pero hindi ko ininom :D .. nag research kasi ako tungkol sa gamot na yon at nakakatakot ng adverse effect. Ang mali ko lang ay binili ko muna bago mag reseach haha ... Pero Thanks God.. nawawala naman ang kirot nitong Turmeric, kaya tatling beses ako umiinom.nito sa loob ng isang araw. :) Tara na guys! meryenda na ;)
No comments yet