Gawin natin masustansya ang beef instant noodles ... ayan nilagyan ko ng repolyo ag karots tas hard boiled egg, e di masustansya na sya hehe . Alam mo kasi mula nung nagkaroon ako ng bukol sa dibdib ay kumakain na ako araw araw ng mga cruciferous vegegables. Itong repolyo ay isa sa mga cruciferous na gulay kagaya ng Broccoli. May health benefits kasi ito para labanan ang mga cancer cells sa atin katawan. Bukas ko na pala kukunin ang result ng Mammogram at breast ultrasound ko. Think positive lang ako na normal lang ang result, pero may mga gabi talaga na hindi ako nakakatulog kakaisip kung ano ang result ng Mammogram. At bukas malalaman ko na ang resulta ;( kinakabahan ako huhuhu O sige na noisemates, tara meryenda na tayo habang mainit pa..
No comments yet