~Sweet Pie Ni D' one ~ Ang sweet naman ni D' one π sweet pie ang pasalubong nya sa kin for snack. Aba! ang aga umuwi ni D' one 4:30 pm pa lang, buti naman at hindi sya naabutan ng malakas na ulan. May inabot sya sa kin plastic ng Jobee na may laman isang box na pie, binuksan ko agad ito sabay thank you sa kanya at syempre may pahabol na sweet kiss ! π " Wow! paborito kong ube pie " sabi ko sa kanya habang binubuksan ko ang box , " Syempre alam ko na paborito ng mylab ko yan" πsagot ni D' one habang nagbibihis. "buti naman at naalala mo akong bilhan ng snack, ang thoughtful mo talaga kaya lab na lab kita eh" sagot ko sa kanya habang kumakain na ng sweet pie. "Aba syempre, ikaw kaya laging laman ng isip ko, paano kita makakalimutan?" hahaha nag batuhan na kami ng matatamis na joke sabay tawanan. At yun!nakaubos na ako ng isang isang pirasong ube pie ng may maalala sya. π " Uh! may nakalimutan ka yata ah?!?" paalala ni D' one. " ano yun?" tanong ko . "hindi mo pa yata napicturan yan sweet pie para mae post mo sa noise.cash" ππ Hahaha tama si D' one, nakalimutan ko nga picturan bago kainin, yan si D' one very supportive sa akin pagdating sa noisecash. Minsan binibiro nya ako, ano na naman daw kaya ang susunod kung pagkakaabalahan sakali bigla mawala ang noisecash hahahah kasi alam din nya dati gaano ako ka busy sa Kiki, sa fb, Wesing, Zwerl, at kung anu ano pang social media. Nakakalimutan ko na rin daw ang redbubble at Tewnty20 dahil sa noisecashπ¬. Isang bagay na gusto ni D' one dito sa noisecash ay dahil walang Private messaging, hahaha pag may DM daw baka daw may makipag chat sa akin π€£π ito talaga si D' one .. so sweet! π₯° Magandang hapon nga pala mga kaibigan maiingay! Ang lakas na naman ng kulog at ulan, syan sa inyo umuulan din ba? ingat po sa pag-uwi! π @ezo 5:47pm 7/06/2021 ~~~~~~~~~~~
No comments yet