Lahat Magagawa ko
Ngayon alam ko na ang pagkaiba ng tambay noong binata ka at Tambay ng may pamilya na noon pag summer sa eskwelahan, araw araw pagising tambay kagad ng tambayan basketball sa hapon at uuwi nalang pagdating ng gabi para kumaen at bukas ganon padin buhay estudyante wala kang iniisip eh malaya. Pero ngayon may pamilya nako di na uso yung pahiya hiya lahat gagawin mo para sa pamilya mo yung mga di mo ginagawa matuto kang gawin sa dahilang kailangan mag banat ng buto parà may maiuwi ka sa pamilya mo.'Janitor,Factory worker,Dinning crew,Delivery Man ,Warehouseman,Merchanzdizer,Food handler,Bagger,Construction worker,Maintenance, At iba pa sa lahat ng yan isa lang ang napag tanto ko na napaka importante talaga na may natapos ka na laging sinasabi ng aking ina na ang pag tapos ko sa koleheyo ay regalo matatawag para sa kanya na hindi ko pinakingan noong akoy nag aaral pa kung maibabalik ko lang pero may isa akong sinunod sa mga sinabi nya na lumaban ka ng patas.Na walang inaagrabyadong tao.Pero ngayong may pamilya nako gagawin ko lahat lalong lalo na sa mga anak ko. Salamat po sa inyo at Magandang umaga.
4 comments
Maganda talagah makatapos ng pag aaral. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka nakatapos wala ka ng maipagmamalaki . Kailangan lang maging madiskarte sa mabuting pamamaraan. At wag magpadalos dalos sa mga desisyon☺️☺️
Tama,minsan yung mga kaklase mo noong highschool na nangongupya noon sa iyo yun pa mga asensado sa buhay
True . Sa experience ko yung classmate namin noon na nang gogoyo ng baon ngayon sya pinakaasenso . Ang dami na niyang na invest . Nasa tamang diskarte lang talagah at dedikasyon. Kaya rin natin yan.
Meron naman ho pwede pang ibang Gawin ang walang natapos. Ang gumawa ng Facebook walang natapos.