read.cash Log in
@yzza more from that month

Tagumpay ng Pangarap

Si Yna ay galing sa isang broken family. Lumaki siya na maraming tanong sa isip. Mga tanong na hanggang sa isipan lang. Nung maliit pa siya, naranasan niya tumira sa ibat ibang tahanan. May ibang pamilya na ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay palaging nasa trabaho at hindi umuuwi. Minsan noong iniwan siya ng tatay niya sa pinsan ng kanyang ina, naranasan niya ang mapagmalupitan. Naranasan niyang kumain ng pagkain ng mga manok para maibsan ang gutom dahil tinitipid siya sa pagkain. Minsan din kakain na lang siya ng bigas na hindi pa sinasaing. Sa murang edad ay naranasan niya ang hirap sa buhay.Bilang isang bata, hindi niya maiwasan na mainggit sa ibang bata na kasama ang kanilang mga magulang. Lagi niyang tanong sa isip kung ano ang feeling na kasama ang buong pamilya. At ng tanong na yan ay mananatiling tanong na lang dahil malabo ng mangyari na mabuo pa ang kanyang pamilya. Sa edad na 6 na taon, iniwan siya ng kanyang tatay sa kanyang tiyuhin. Doon niya naranasan na kahit papaano ay naaalagaan siya. Pinag-aral siya ng kanyang tiyuhin mula elementarya hanggang high school. Gusto sana niya na makapag-aral ng kolehiyo ngunit hindi kaya ng kanyang tiyuhin. Kaya sa edad na 16 ay naranasan niya ang magtrabaho sa ibat ibang lugar. Naranasan niya ang maging tindera at kasambahay. Hanggang napadpad siya sa Manila. Sa unang pagkakataon ay nahanap niya ang kanyang ina, na hindi pa niya nakikita mula pagkabata, sa pamamagitan ng social media. Ngunit hindi niya inasahan ang nangyari. Sa halip na kausapin siya ng kanyang ina ay sinabihan lang siya na "bahala ka na sa buhay mo". Wala man lang "kumusta ka anak" o patawad anak dahil iniwan kita". Hindi man lang nagbigay ng rason sa pag-iwan sa kanya. Nasaktan ng lubusan si Yna. Hindi nawawala sa isipan niya ang mga katagang binitawan ng kanyang ina. Kaya nabuo sa isipan niya na balang araw maipakita niya sa kanyang ina na magtatagumpay siya sa buhay kahit wala ang kanyang ina at ama. Umuwi si Yna sa kanilang probinsya. Nabalitaan niya na may scholarship na binibigay ang gobyerna kaya hindi niya ito pinalampas. Nag-apply siya sa scholarship at sa awa ng Diyos nakapasa siya. Laking tuwa niya at nagkaroon na siya ng pag-asa na makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Hindi man naging madali ang kanyang pag-aaral ngunit hindi sumuko. May mga panahon na gusto na niyang tumigil ngunit nanaig pa rin sa kanyang puso't isipan ang kanyang pangarap. Ngayon, nakapagtapos na si Yna ng kolehiyo. Isa na siyang LPT ( Licensed Professional Teacher ). Nakamit niya ang kanyang pangarap at naging matagumpay siya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Kahit ano mang pagsubok ang dumating sa ating buhay, gawin natin itong hagdan para maakyat at marating natin ang ating mga pangarap. -Yna a.k.a Yzza❤️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.