read.cash Log in
@yohanyan more from that month

story time muna sa umaga good morning Anino sa Dilim bakit ba naman daan samin ay kay dilim pilit mong ina-aninag kung may ibang nakatingin di mo na mamamalayan may nabubuong itim hugis na di mo mawari baka ika'y biglang hatakin dahan dahan na hakbang dapat yata bilisan lumilikot na isip kailangan mong pigilan may biglang sumisisit parang nasa likuran wag nang lilingunin, derederetso lang hanggang sa yong tabi may sumulpot at nagpakita tila isang babae ngunit mukha ay di makita puti kanyang suot at damit niya'y kay haba boses na kay lamig at ang sabi sa yo "halika". binalot ng ginaw ang buo mong katawan nag agaw na ulirat bakit mo nararanasan sisigaw na ba o titigan lang paano aalis at dagliang matakasan sa iyong pagkurap bigla syang nawala di na nag atubili agad kumawala dagliang tumakbo , mga paa'y nagkusa hindi hihinto kahit ika' y mamutla.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.