1
15
Bagong Bayani
Sa kabila ng sakit na kumakalat
Maraming tao ang nanatiling tapat
Hindi alintana ang hirap o salat
Basta't makatulong lamang kahit puyat
Kahit sariling buhay handang ialay
Pilit pang sasagipin ang ibang buhay
Lakas ng loob at tatag ng kalamna'y
Pamilya ang pinagkukunan ng tibay
Hirap,gutom at sakit man ay dumapo
Kanilang tunguhi'y hindi magbabago
Kaayusan ang nais nilang matamo
Upang hindi malumpo ang ating mundo
Ang ganda ng tula na 'to!!!! 😍😍😍