Pinagtagpo pero Hindi tinadhana
Alam mo ba Yung feeling na nagmahal ka ng tapat pero niloko ka Lang ng paulit ulit? Yan Ang karanasan ko sa aking Asawa. At dumating Ang oras na napagod ako at nagsawa sa ginagawa niya sa akin, dahil nagkaanak na siya sa mga naging babae niya, Masisisi mo ba ako Kung nahulog ako sa isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal at pagpapahalaga. At di ko na naiwasang mahalin siya NG sobra sobra. Pero ang laki NG agwat NG aming Edad, 52 ako at 26 siya. Mahal namin Ang isat Isa, pero Alam naming Hindi uubra, dahil maraming maapektuhan at may masasaktan. Pero lihim kaming nag uusap at nag cha chat sa cellphone. Hanggang isang araw nadiskubre ng bunso Kong anak Ang password ng cellphone ko. Hindi ko namamalayan. Matagal niya na palang binabasa Ang mga usapan namin ng lalaking Mahal ko. Tinururing ko siyang Best friend, Dahil lahat ng sekreto ko Alam niya. Pero nang nalaman ng anak ko Ang tungkol sa palihim naming relasyon. Pinilit niyang iwasan ko ito. At Yun Ang pinakamasakit na ginawa ko. Sinunod ko Ang Anak ko. Kahit nagdurugo Ang Puso ko. Dahil iniisip ko din. Wala din kaming patutunguhan. Dahil pinagtagpo kami pero Hindi tinadhana.😭
1 comment
Ang hirap😢😢