Ito na Naman ako!
Gaya ng dati, pag nawili ako sa kapipindot sa mga earning website sa internet, naku! talagang nauubos ang oras ko dito, sa buong maghapon. Lagi kase akong nagbabakasakali na makakuha ng lehitimong Kita sa internet. Palibhasa Hindi na rin ako maka apply sa trabaho dahil sa edad ko, kaya minsan dahil sa kagustuhan ko na magkaroon ng,mapagkaka-kitaan. Nahuhumaling ako sa mga pagkakakitaan sa internet. Pero sa totoo Lang, kalimitan sobrang tagal bago mo makamit Ang minimithi mong Kita,. Minsan nga nasasawaan ko na pero Hindi pa din ako kumikita. Minsan Naman sa dami at tagal na ng ginugol kong panahon, halos barya barya Lang Yung nakukuhaan ko na talagang pumapasok sa mga wallet account ko. Gaya na Lang ng Buzzbreak, sa totoo Lang naka 106 pesos nako dun paunti unti, Pero napakatagal bago ko nakuha Ang mga iyon. Sa snippetmedia Naman Parang 30 pesos pa lang at Ang nakuha ko dun. Tapos minsan kahit may laman na Yung dashboard ko. Di ko Naman mailipat sa Gcash ko or Coins.ph. Paano naman kase may mga rules sila dun na pag Hindi ka naka pag log in araw araw, mawawala Ang tyansa mo na makuha Yung balance mo sa dashboard. Minsan Parang sumusuko nako. Pero iniisip ko pa din, kaysa magdudutdot sa cellphone ko ng walang kinikita, mas maigi na din ito, kahit barya barya Lang. May nabalik sa mga niloload ko.π At ngayon iba Naman Ang kinahuhumalingan ko. Alam niyo ba Ang mga crypto currency? Ito Naman Ang umuubos ng panahon ko ngayon, nagbabakasakali na makuha ko yung teknik Kung paano kikita dito ng maganda ganda. At Sana sa pagkakataong ito, may mangyari namang maganda sa mga pinag gagagawa ko sa mga website na pinasok ko. Minsan nasasabi ko sa sarili ko," Ito na Naman ako! "Wala akong kadala dala!
No comments yet