Hindi madaling makalimot Ang Puso
Karugtong ito ng una Kong artikulo, Ang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Nasabi ko na nga na pinigilan na kami ng anak ko na magkaron ng komunikasyon. Kaya pinilit Kong tiisin Ang nararamdaman Kong pangungulila, at Alam Kong ganoon din Ang ginagawa niya, pero after a week, Alam mo Yung feeling na parang sasabog na Ang Puso mo sa pagka miss sa kanya. Kya nagdesisyon ako na imessage siya sa Isa Kong cellphone, Alam ko kase hanggang ngayon Hindi maliwanag sa kanya Kung bakit nalaman ng anak ko Ang tungkol sa Amin. Kaya minabuti Kong kausapin siya sa text. At nagpaliwanag ako. Alam ko Ang bigat ng nararamdaman niya noong mga oras na iyon, Dahil ganoon din Ang nararamdaman ko. Pero pagkatapos ng pag uusap namin na iyon, medyo gumaan Ang pakiramdam ko At Alam Kong ganun din siya. Nagdesisyon na kami na iwasan na Ang pag uusap. At tanggapin na Lang Ang katotohanan na talagang hanggang dito Lang kami. Pero lumipas Ang isang linggo. Nag message siya ng walang laman sa cellphone ko. Kya nag tanong ako. At sumagot siya ng Anu daw Ang ginagawa ko?. Nag start kami mag usap uli sandali at pagkatapos noon Hindi ko maipaliwanag Ang kaligayahan na naramdaman ko. Parang nagising And tulog na damdamin. Hanggang sa nasundan uli ng maikling mga chat. Pero mabilis Kong binubura agad Ang mga conversation namin, Sa takot Kong may makabasa ulit. Hindi na kami nag sasabihan alabyu, kagaya nung dati naming ginagawa. Pero sapat na sa akin Yun. Basta Ang mahalaga nadugtungan uli Ang pag uusap namin. Hanggang sa lumipas ng lumipas Ang araw. Unti unti nagagawa na Naman namin Ang pag uusap na kagaya ng dati, nagsasabi na uli siya ng I miss you at ng Labyu, at ganun din Ang ganti ko sa tuwing nag uusap kami sa chat. Kaya ngayon napatunayan ko, Hindi madaling makalimot ang Puso, kahit anu pang hadlang Ang dumating. Pag talagang Mahal mo, walang makakapigil. Mahal mo talaga, anuman Ang mangyari, kahit na Hindi ko Alam Ang kahahantungan ng pagmamahalan namin sa bandang huli.. Ang tadhana Lang Ang makapagsasabi Kung saan kami makakarating..
1 comment
Ang Hana na din ahh