Sigurado na po ang pagbabalik ng PBA bukas. Matapos masuspinde ang mga laro dahil sa COVID ay muli pong maglalaro ang mga paborito nating team simula bukas. Ang wala pang talong TNT Tropang Giga ay lalabanan ang wala pang panalong Blackwater Bossing sa ganap na 12:30 ng hapon. Ang pangalawang laro naman, 3PM ay San Miguel Beermen at Terrafirma Dyip. At ang main event, 6PM ay ang laban ng Magnolia Hotshots at Meralco Bolts. Abangan natin ang mga laban bukas, unang araw ng Setyembre.
Log in Invite-only for now. Someone already here has to let you in.