read.cash Log in
x@xerexxaviera more from that month

MAGANDA KA KAHIT ANO PANG SABIHIN NG IBA. Maganda ka naman talaga, lapitin ka lang ng mga mapanghusga. Kaya bumababa ang self-confidence mo kasi masyado kang nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Naiinggit ka sa iba kasi mahilig kang magkompara. Dapat hindi ka nagpapaniwala sa pamantayan ng mundo, maniwala ka dapat sa gandang taglay mo. Alam mo, magiging maganda ka lang kapag pinaniniwalaan mong maganda ka. Wala naman talagang nakalalamang, insecure ka lang. Masyado mong binababa ang sarili mo at inaangat ang iba. Lahat pinanganak na may kapintasang taglay kaso tinuturing nilang kagandahan ang kanilang kapintasan samantalang ikaw, pinipintasan mo ang iyong ganda. Okay lang kung may tigyawat ka sa mukha o ika'y mataba. Okay lang na ilong mo'y pango o malapad ang 'yong noo. Okay lang kung 'di ka kaputian at 'di ka kaseksihan. At okay lang kung 'di ka biniyayaan ng dibdib, huwag mong dibdibin. Maganda ka kung anong meron ka. Tanggapin mo ang bawat detalye ng 'yong katawan. Yakapin mo ang iyong mga kapintasan. At huwag kang magpadala sa pamantayan ng lipunan. Tandaan mo, hindi depekto ang parte ng katawan na palagi sa 'yong napapansin, asset mo talaga 'yan. Basta maganda ka, huwag ka nang magdududa. . . . Pero mas maganda kung magiging akin ka. 🙄 — #Giveaways

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.