POTENTIAL WIFE KA, HINDI LANG PANG-JOWA. Huwag mo sanayin ang sarili mo na jinojowa-jowa lang tapos makalipas ilang buwan, bigla ka na lang iiwan. Alam ko nagmamahal ka lang pero hindi pagmamahal 'yung pagpilit sa isang bagay lalo na kung 'di naman magtatagal. Alalahanin mo, 'di ka pokpok na pang-quick time. Hindi ka cup noodles na instant kung lutuin at kainin. Hindi ka module na may deadline. At 'di ka pangmatagalan, panghabambuhay ka dapat. 'Di mo deserve ng pagmamahal na pansamantala, nararapat sa 'yo 'yung pag-ibig na hindi basta-basta. 'Yung hindi ka lang matatawag na "jowa" kundi dapat "asawa". Pero hindi naman minamadali ang pag-aasawa pero sana mapunta ka sa relasyong hindi nagsasawa. Sana matagpuan mo 'yung pag-ibig na hindi sandali, dapat 'yung hanggang huli. Kaya ikaw, huwag kiligin sa taong ipapakilala ka lang sa mga kaibigan niya, doon ka sa taong ihaharap ka sa altar at papabasbasan ang pagmamahal niyo sa Kanya. Tandaan mo, potential wife ka, hindi lang basta pang-jowa. . Malay mo, ikaw pala magiging wife ko? 🙄 — #Giveaways
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet