Dear folks✨ Kapag may nakita po tayong umaangat huwag nating hilain pababa, kaiingitan at siraan ng puri. Hayaan po nating maabot nila ang kanilang mga minimithi at mabuhay ng naaayon sa gusto nila. Kung ayaw mo sa tao mas mainam na ikaw ay manahimik na lamang. Hindi opinyon mo ang kinakailangan para magdikta sa kung ano ang gagawin nila at gagawin pa. Maging masaya ka sa tagumpay ng iba at matutong pumalakpak. May oras ang lahat ng bagay kaya maghintay ka. Hangga't wala silang naaapakang tao at mabuti ang kanilang hangarin kailanma'y walang problema. Sa mundong puno ng mga taong mapang-husga piliin mo ang maging mabuti at tama.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet