MAKUNTENTO KA NAMAN SA TAONG KUNTENTO NA SA 'YO. Mahiya ka naman, 'di lahat ng babae sa 'yo. Kung may mahal ka na, huwag ka nang maghahanap ng iba. Isipin mo, nanahimik buhay niya no'ng wala ka pa tapos nung dumating ka, guguluhin mo lang siya. Kung 'di ka pa pala sigurado na siya na, edi sana 'di mo na lang siya jinowa. Maghahanap ka pa pala ng iba tapos may pasumpa-sumpa ka pa. Madadala ka pa pala ng tukso tapos nanuyo ka pa. Magloloko ka pa pala tapos pinilit mo pa maging kayo. May sayad ka, Bro? Oo, alam kung may iba't ibang parte ang puso pero hindi ibig sabihin nun na ipaparte mo rin 'yung pagmamahal mo sa iba-ibang babae. Alam mo, dapat makuntento ka sa mahal mo ngayon kahit may makita ka pang mas higit sa kanya kasi ganyan din naman ginawa niya, maraming mas higit sa 'yo pero ikaw pinili niya. Kaya ikaw, huwag mo ipagpalit 'yung potential wife mo sa taong nakilala mo lang dahil sa tawag ng laman. Makuntento ka, huwag paiba-iba. . . Dapat ako lang forever. 🙄 — #Giveaways
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet